Sunday, May 30, 2010

Magmurahan tayo!

Sige! Murahin niyo ako! Ilabas niyo lahat ng galit, hinanakit, at sama ng loob niyo sa akin! Hayaan niyo akong malunod sa agos ng nagpupuyos niyong damdamin.

Karapat-dapat ako sa mga salitang inyong bibitawan dahil tao lang ako... Hindi perpekto...

Sa labingpitong taon kong pamamalagi sa mundong ibabaw, batid ko na marami na akong katarantaduhan at kalokohan na ginawa... Sa mga pinaggagawa ko na iyon ay nakatitiyak ako na marami ang nagalit at nainis sa akin. Sino nga ba ako? Isang taong nagkakamali...

Minsan kasi, pangit iyong kinikimkim iyong galit. Maganda iyong harap-harapan ninyo akong minumura at sinisiraan kaysa naman sa likod ko pa ninyo gagawin iyon.

Dagdag pa riyan, nakakapagod ang pagtatago ng galit. Nakaka-stress kumbaga. Papangit ka lang kung itatago mo iyon. Ilabas mo, huwag mong pigilan ah?

Kaya sa mga taong nagpagalit at nagpainis sa akin, my middle finger salutes you! LOL!

0 Puna/Komento: