Ano ba ang kailangan kong gawin para magawa ang mga bagay na gusto ko? Hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap. Maykaya kami. Pero iyong kinikita ng tatay ko? Sapat lang para mabuhay kaming pamilya. Sapat lang para makapag-aral kami. At kapag may extra. bumibili kahit papaano ng konting luho.
Oo, alam kong may mas malala pa ang kalagayan kaysa sa akin. May mas matindi pa ang dinaranas na hirap. Hindi pa kami ang worst at nagpapasalamat ako dahil doon. Pero alam kong mahirap mabuhay, magsurvive... Nakakapagod magbudget... Nakakapagod isipin kung saan kukuha ng panggastos...
Ang dami kong gustong gawin, puntahan, pero hindi ko magawa. Ganoon din ang pakiramdam ng mga kapatid ko, ng mga magulang ko... Mahirap mabuhay... Hindi lang siyang simpleng paghinga. Hindi lang siya simpleng pagmulat ng mga mata. Mas kumplikado dito. Mas kumplikado pa sa pagbalance ng chemical equations, mas kumplikado pa sa circulation ng blood, at mas kumplikado pa sa paggawa ng pamanahong papel. Dahil para mabuhay, dadaan ka sa butas ng karayom, susuungin ang bawat eskinita sa Maynila, lalanguyin ang Pacific Ocean, liliparin ang himpapawid patungong Middle East, US, Canada, Singapore, etc., kakalkalin bawat supot ng basura...
Iyang mga titration, chemical equilibrium, respiratory system, calculus, socio-anthro, at iba pa, pandagdag lang iyan sa kumplikado na nating buhay. Minsan, napapaisip ako,bakit pa kailangan ng degree eh makakapagtrabaho ka naman kahit wala noon. Sympre, ako na mismo ang sasagot sa napakawala kong kwentang tanong. Kailangan mo ng degree para may maganda kang trabaho, para hindi ka alipustahin. Oo nga naman, totoo iyon, mas kakaiba sa pandinig ang kurso mo, mas kamangha-mangha, mas maganda ang kita. Para may maipagmamayabang ang pamilya, di ba?
Papasok ako sa kahit anong trabaho kahit yaya matugunan lang ang pangangailangan namin. Oo, may scholarship po ako. May allowance. Pero iba pa rin iyong may maibibigay mo iyong kinita mo sa pamilya mo. Iba iyon eh. Kung paano? Sa pakiramdam. Kapag nakakapagbigay ka, ang saya at sarap sa pakiramdam. Ganoon iyon.
Hindi pala ako nagrereklamo. Kinukwento ko lang ang nasa isip ko. Mga bagay-bagay na bumabagabag sa aking katinuan. Kasi ang hirap ng buhay. Magastos. Wala kang magagawang bagay na hindi gumagastos. (Tang'na, wag ninyo akong bolahin sa panunuod ng TV, pagbabasa ng libro, dahil gagastos ka pa rin doon.) Hirap 'no?
Hayy... Basta mag-aral na lang ng mabuti, magtapos ng kolehiyo, maghanapbuhay. Yun! Parang simple lang 'no? Sympre hindi iyan ganyan kadali. Pero sipag at tiyaga, galing at talino, mabubuhay ka. Yun!





0 Puna/Komento:
Post a Comment