.bmp)
.bmp)
Nakakuha ako ng 48/60. Pasang-awa. Akala ko noon ako ay magaling sa Filipino dahil marami akong alam na malalalim na salita. Ngunit nang sagutan ko ito, hindi pala. May mga salita pala akong hindi pa nababatid. Nakakalungkot lang isipin na ako mismo na Pinoy ay hindi alam ang lahat katumbas ng mga salitang Ingles sa Filipino.Batid ko na sa pagdaan ng mga araw ay ang pagbaba ng kaalaman ng mga Pilipino sa kanilang sariling wika. Hindi ba't nakakahiya na tayo mismo ay itinatakwil ang sarili nating pagkakakilanlan?
Sana sa ika-112 anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas ay maging isa na ang 7,107 isla ng Pilipinas kasabay ng pagsisimula ng ika-15 Republika ng Pilipinas. Alam kong ito'y hindi magiging madali ngunit hayaan natin ang pagmamahal sa bayan ang umukit ng pag-iisa at pag-asa sa ating puso. Hayaan natin ang kalayaang tinatamasa natin ang maging gabay sa isang maunlad at magandang Pilipinas.





0 Puna/Komento:
Post a Comment