Thursday, June 17, 2010

Day 5 -- Your Dreams

Pangarap ko:

Huwag na huwag kang lalayo ah. Malapit ka na eh. Hayaan mo akong makamtan ka at mayakap ang iyong kabuuan. Hayaan mo akong maging maligaya dahil ikaw, pangarap ko, ay aking naabot na.

Nga pala, lagi mo akong paalalahanan na gawin ang lahat ng aking makakaya para makasama kita. Kahit na abala ako, huwag na huwag kang mahihiyang lumapit sa akin at bulungan ako na,”Maabot mo din ako.” Kahit man lang sa ganyang pagkakataon ay umaliwalas ang araw ako at lalo ko pang paghusayan.

Oo, huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaan na may sumira sa tulay na unti-unti kong tinatayo para sa atin. Hindi ko rin papayagan na may humarang sa pagkikita natin. Nasasabik na nga ako! :)

Masaya ako dahil sa tuwing iniisip kita, para akong nakarating sa buwan. Oo! Ganoon kasaya ang pakiramdam ko! Lalo tuloy akong ginaganahan!

O siya, may pasok na ako bukas. Hayaan mo, magkakasama din tayo. Abangan! :)

0 Puna/Komento: