
Sa inyo-
Na hindi umurong sa kahit anong digmaan
At lumaban hanggang kamatayan;
Na ipinagtangol ang sangkatauhan
Mula sa pagkasakop ng ibang bayan;
Nais naming kayong pasalamatan
Dahil sa ginawa ninyong kabayanihan.
Masaya ang mga Pilipino lalo na ang mga kabataan
Dahil aming tinatamasa ang matamis na kalayaan.
Ngunit kami ay inyong gabayan
Sa pagsugpo ng karahasan
Na nagdudulot ng kaguluhan;
Ibig naming umasenso ang ating bayan
At manumbalik ang dating ningning ng Perlas ng Silanganan.
Kami rin po ay inyong tulungan
Na umaksyon at ihinto ang karuwagan;
Gawin ang tama’t sugpuin ang katiwalian
Na sumusukol sa amin, pinagtitibay ang kahirapan.
Alam kong batid ninyo ang mapait na katotohanan
Na sa kabila ng inyong paghihirap, watak-watak pa rin ang kapuluan.
Hayaan ninyo kaming labanan
Ang bulok na sistema ng lipunan,
Upang kahit man lang sa ganitong paraan
Ang mga telang inyong itinahi ay hind imaging basahan.
Sa tulang ito ay aking inilaan
Ang pagpupunyagi sa inyong kagitingan
Na kailanman ay hindi nito mahihigitan –
Maraming salamat po, malaya na an gaming bansang sinilangan,





0 Puna/Komento:
Post a Comment