Thursday, July 1, 2010

Litrato ng Pag-ibig

Lagi na lang tinitingala
Nagmimistulang isang tala
Na sa taas, tanging nakikita ay ang ningning
Na sa layo ay kailanman hindi mararating

Nabubuhay sa pahapyaw na tingin
Lagi na lang bang susulyapin?
Sa malayuan, ikaw ay tinatanaw
Pag nakikita nabubuo ang araw

Kapag ngiti ay nasisilayan
Pagod at hirap ay gumagaan
Kapag tinig ay naririnig
Napapatigil ang ikot ng daigdig

Sa mga linyang sinusulat
Inilalabas ang lahat
Damdaming hindi maipakita't masabi;
Ikaw pala ay itinatangi

0 Puna/Komento: