Wednesday, November 3, 2010

Tugs Tugs Tugs!


Ano ba ang bente pesos sa inyo?

Bente pesos.

Pangload.
Pamasahe.
Pangmeryenda.

Para sa iba, pangkain na nila yan sa buong araw.
Pangbaon nilang magkakapatid.
Pangbili ng gamot.

Ano ba ang bente pesos sa inyo?

Natapos na ang Oktubre. Sana mabawasan, kunid man matapos ang nakakasawang mukha ng kahirapan. Sa pagpasok ng Nobyembre, sana pumasok din ang swerte sa mga kapus-palad. Swerte na sila din ay aahon sa pagkalugmok sa putik. Swerte na sila din ay sisikatan ng makikinang na pera. Swerte na sila din ay makakalanghap ng malamig na hangin ng aircon. Swerte na sila din ay makakatikim ng masasarap na pagkain. Swerte na sila ay mabubuhay na hindi na poproblemahin kung saan kukunin ang panggastos araw-araw.

Kailan nga ba darating iyon? Kailan?

0 Puna/Komento: