Actually, hindi ko alam iyon dahilan. Marami lang atang bumabagabag sa utak ko. Hindi ko talaga alam.
Siguro ganito un, ako iyon taong ayaw pinaghihintay ng texts or tawag. Eh minsan ang tagal niyang magreply. Kaya nakakailang texts ako. Valid naman iyon reasons niya for his late replies. Tapos kapag umaga na, ako iyon usually unang naggu-good morning. Natural ako iyon maaga ang pasok, siya tulog pa kasi panghapon class niya. So okay lang din iyon. Pero minsan kapag Saturday, may practice siya kaya hindi siya nakakapagtext. Eh minsan hindi na siya nagtetext pag tapos na iyon practice niya at kapag nakauwi na siya. Katulad kagabi. Nakaka-worry lang. Nakakatampo din. Kanina, I was expecting na magu-good morning siya pero wala pa rin texts. Nakakatampo lang din ulit. Alam ko namang busy siya sa church activities niya. Pero ewan.
Eh babae kasi ako. So natural lang siguro na hanapin ko iyong paglalambing niya. Not that he's not sweet pero ewan. Masamang mag-expect pero I repeat, babae ako. Natural na may mga bagay ako na gusto kong gawin niya for me (kung ano ang mga iyon, that's for him to find out). Not that I'm demanding pero ewan.
Ang gulo ko.
Hindi na pala ako unli. Hindi muna siguro ako magloload.
Ciao!





0 Puna/Komento:
Post a Comment